Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ni Yahweh laban sa inyo na inilabas niya mula sa Egipto: “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa, kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan. Kaya't kayo'y aking paparusahan dahil sa inyong mga kasalanan.” Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang taong hindi nagkakasundo? Umuungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib, kung wala siyang nahuling anuman? Mabibitag ba ang isang ibon kung hindi pinainan? Iigkas ba ang bitag kung ito'y walang huli? Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod, hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao? Kapag may sakunang dumating sa lunsod, hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon? Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta. Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag? Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod, at sa mga tanggulan ng Egipto, “Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria, tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon, maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.” “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh. “Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay. Kaya't lulusubin sila ng isang kaaway, wawasakin ang kanilang mga tanggulan, hahalughugin ang kanilang mga tahanan.”
Basahin Amos 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Amos 3:1-11
16 Araw
Si Amos, isang mangangaral sa bansa, ay pumunta sa malaking lungsod at kinondena ang kanilang makasalanang mga paraan, na sinasabing lahat tayo ay may pananagutan sa Diyos ayon sa liwanag na ibinigay Niya sa atin. Araw-araw na paglalakbay sa Amos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas