Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 16:22-25

Mga Gawa 16:22-25 RTPV05

Sinunggaban sila ng mga tao, pinahubaran ng mga pinuno at ipinahagupit. Pagkatapos hampasin nang paulit-ulit, sila'y ipinabilanggo at pinabantayang mabuti. Ipinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at inilagay ang kanilang mga paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy. Nang Maghahating-gabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.