Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo. Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon. Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay anak ng Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos. Mabuti ang sinasabi ng lahat tungkol kay Demetrio, at iyan ay makikita sa kanyang magandang pag-uugali. Iyan din ang aming patotoo, at alam mong totoo ang sinasabi namin.
Basahin 3 Juan 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 3 Juan 1:9-12
4 Araw
Ang Nahum, na ang pangalan ay mabilis na kaaliwan, ay nagdadala ng mensahe ng paghatol sa mga kaaway ng Diyos at naghahatid ng katarungan at pag-asa sa Israel. Araw-araw na paglalakbay sa Nahum habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas