Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga kahirapan. Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging malupit, walang habag, mapanirang-puri, marahas, mapusok at namumuhi sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, pabaya, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. May ilan sa kanila na gagamit ng panlilinlang upang makapasok sa bahay ng mga babaing walang pagpipigil sa sarili. Ang mga babaing ito'y alipin ng kanilang mga kasalanan at ng sari-saring pagnanasa. Lahat na'y gustong matutuhan ng mga babaing ito ngunit kailanma'y di sila nakakaunawa. At tulad nina Janes at Jambres na sumalungat kay Moises, sila ay sumasalungat din sa katotohanan. Wala silang iniisip na kabutihan at hindi tunay ang kanilang pananampalataya. Ngunit hindi magpapatuloy ang kanilang kasamaan, sapagkat makikita ng lahat ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari kina Janes at Jambres. Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napakahirap ng dinanas ko! Ngunit sa lahat ng iyon ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig
Basahin 2 Timoteo 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Timoteo 3:1-12
7 Days
This bible reading plan is created having the same objective as Paul’s prayer for the Ephesian believers – to know God better (Eph 1:17). It is designed to be used as a tool for reflection during seven days of prayer and fasting especially for those spiritually nurtured from the messages of Christ’s Commission Fellowship (CCF). For a downloadable version of the Bible reading plan and other materials, go to http://www.ccf.org.ph/knowing-god/
8 Araw
Ang ikalawang liham kay Timoteo ay tumatawag sa mga tao ng diyos na manindigan para sa salita ng Diyos, bantayan ito, ipangaral ito, at kung kinakailangan, magdusa para dito. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas