Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na gamitin mong mabuti ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay. Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ay ibinigay na niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ngunit ito'y nahayag na ngayon, nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ang kapangyarihan ng kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita. Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y ginawang mangangaral, apostol at guro
Basahin 2 Timoteo 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Timoteo 1:6-11
5 Araw
Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.
8 Araw
Ang ikalawang liham kay Timoteo ay tumatawag sa mga tao ng diyos na manindigan para sa salita ng Diyos, bantayan ito, ipangaral ito, at kung kinakailangan, magdusa para dito. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas