Nasa Mahanaim na si David nang tumawid sa Jordan sina Absalom at mga kasamang Israelita. Sa halip na si Joab, si Amasa ang ginawa ni Absalom na pinuno ng buong hukbo. Si Amasa ay anak kay Abigail ni Itra, isang lalaking Ismaelita. Si Abigail naman ay anak ni Nahas, kapatid ni Zeruias na ina ni Joab. Ang mga Israelita at si Absalom ay nagkampo sa Gilead. Pagdating sa Mahanaim, si David ay sinalubong ni Sobi, anak ni Nahas na Ammonitang taga-Rabba. Kasama ni Sobi si Maquir, anak ni Amiel na taga-Lo-debar at si Barzilai, isang Gileaditang taga-Rogelim. May dala silang mga banig, kumot, mangkok at banga. May dala rin silang trigo, sebada, harina, mga butil na sinangag, gulayin, pulot-pukyutan, keso at mga tupa. Ipinagkaloob nila ito kina David at mga kasama nito upang may makain sila, sapagkat alam nilang ang mga ito'y pagod na pagod at nagdanas ng matinding gutom at uhaw sa ilang.
Basahin 2 Samuel 17
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Samuel 17:24-29
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas