Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya si Tito ng pagmamalasakit tulad ng pagmamalasakit ko sa inyo. Hindi lamang niya pinaunlakan ang aming pakiusap, kundi sa kagustuhang makatulong sa inyo, nagprisinta pang siya ang pupunta riyan. Pinasama namin sa kanya ang kapatid na kilala sa lahat ng iglesya dahil sa kanyang pangangaral ng Magandang Balita. Hindi lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang maglakbay kasama namin at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang ganitong paglilingkod ay para sa ikadadakila ng Panginoon, at sa aming marubdob na hangaring matulungan kayo. Nag-iingat kami upang walang masabi ang sinuman tungkol sa pangangasiwa namin sa malaking kaloob na ito. Ang layunin namin ay magawâ ang tama, hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa paningin ng mga tao. Kaya isinusugo naming kasama nila ang isa pa nating kapatid na subok na namin sa maraming pagkakataon, at lalong masigasig sa pagtulong ngayon dahil sa malaking tiwala niya sa inyo. Tungkol kay Tito, siya ang kasama ko at kamanggagawa sa pagtulong sa inyo. Tungkol naman sa mga kapatid na kasama niya, sila'y mga apostol ng mga iglesya sa ikararangal ni Cristo. Kaya't ipadama ninyo sa kanila ang matapat ninyong pag-ibig upang makita ng mga iglesya na hindi kami nagkamali sa pagmamalaki tungkol sa inyo.
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 8:16-24
20 Mga araw
Ang kagalakan ng mga relasyon sa loob ng katawan ni Kristo ay naka-highlight sa ikalawang liham sa mga taga-Corinto habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Corinthians habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas