Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang tulad ng isang hangal. Ang sinasabi ko sa pagmamalaking ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagyayabang ng isang hangal. Dahil marami ang nagyayabang tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magyayabang din. Nagtitiyaga kayo sa mga hangal na iyan, palibhasa'y matatalino kayo! Pinapagtiisan ninyong kayo'y alipinin, sakmalin, pagsamantalahan, maliitin, o sampalin. Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan! Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 11:16-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas