at papatayin ang sinumang hindi sasamba sa kanya, maging lalaki o babae, matanda o bata. Pasigaw na nanumpa sila kay Yahweh. Nagsigawan sila kasabay ng pag-ihip sa mga trumpeta at tambuli. Masayang-masaya ang buong Juda sa kanilang pagkakaisa sapagkat buong puso silang nangakong sasamba kay Yahweh. At ang kanilang masayang pagsamba ay tinanggap ni Yahweh; nalugod siya sa kanila kaya binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa lahat ng panig. Inalis ni Haring Asa sa pagiging inang-reyna ang lola niyang si Maaca sapagkat nagtayo ito ng malaswang rebulto ng diyosang si Ashera. Winasak niya iyon at sinunog sa Libis ng Kidron. Kahit hindi naalis ni Asa sa Israel ang lahat ng mga bahay-sambahan ng mga pagano, naging tapat siya kay Yahweh sa buong buhay niya. Dinala niya sa Templo ang lahat ng kagamitang yari sa pilak at ginto na inilaan niya at ng kanyang ama sa Diyos. Hindi nagkaroon ng digmaan sa loob ng tatlumpu't limang taóng paghahari ni Asa.
Basahin 2 Mga Cronica 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Cronica 15:13-19
18 Araw
Sa 2 Cronica, nakakuha tayo ng ibang pananaw sa mga kuwentong narinig natin tungkol sa mga nakaraang hari at propeta ng Israel. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Cronica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas