Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-6

1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-6 RTPV05

Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa, at hindi pagsunod lamang sa nasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakila sa Diyos. Sa bagay na ito, huwag ninyong pagsamantalahan ang inyong kapwa at huwag siyang dadayain sa anumang paraan, sapagkat mahigpit na paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng sinabi namin at pinatotohanan sa inyo noon pa man.