Nang matipon ni Samuel ang buong Israel sa harap ng altar ni Yahweh, nagpalabunutan sila at nakuha ang lipi ni Benjamin. Pinalapit naman niya ang mga angkan sa lipi ni Benjamin at nabunot ang pamilya ni Matri. Sa kahuli-hulihan, pinalapit niya ang lahat ng anak ni Matri at ang nabunot ay si Saul na anak ni Kish. Ngunit wala roon si Saul. Dahil dito, itinanong nila kay Yahweh, “Pupunta po kaya siya rito?” Sumagot si Yahweh, “Naroon siya sa bunton ng mga dala-dalahan at nagtatago.” Siya'y patakbo nilang pinuntahan at dinala sa mga tao. Nang mapagitna siya sa karamihan, si Saul ang pinakamatangkad.
Basahin 1 Samuel 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Samuel 10:20-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas