At tinapos nga ni Solomon ang pagpapagawa sa Templo. Binalot niya ng tabla ang loob niyon. Tablang sedar ang inilapat sa pader buhat sa sahig hanggang sa kisame at tablang sipres naman ang inilatag na sahig. Diningdingan niya ang siyam na metro mula sa silid sa kaloob-looban ng Templo na tinatawag na Dakong Kabanal-banalan. Ang lugar na ito'y nilapatan ng tablang sedar mula sa sahig hanggang sa kisame. Ang labing-walong metrong natira matapos dingdingan ang Dakong Kabanal-banalan ay tinawag namang Dakong Banal. May ukit na mga nakabukang bulaklak at mga tapayan ang tablang sedar na ibinalot sa pader ng Templo. Ang Dakong Kabanal-banalan na siyang kaloob-looban ng Templo ay inihanda niya upang paglagyan ng Kaban ng Tipan. Siyam na metro ang haba, ang luwang, at ang taas ng Dakong Kabanal-banalan, at ito'y binalot niya ng lantay na ginto. Sa harap ng Dakong Kabanal-banalan, nagtayo siya ng isang altar na yari sa tablang sedar at ito'y binalot din niya ng lantay na ginto. Binalot din ni Solomon ng lantay na ginto ang buong loob ng Templo, pati ang altar sa Dakong Kabanal-banalan.
Basahin 1 Mga Hari 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Hari 6:14-22
5 Days
It’s the most wonderful time of the year, but we often find ourselves hustling through the holidays. This Christmas, what if we reclaimed wonder? In this 5-day Bible Plan accompanying Pastor Craig Groeschel’s series, The Gift, we’ll discover how the three gifts the wise men gave Jesus can lead us to a place of wonder and worship today.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas