Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Hari 4:29-33

1 Mga Hari 4:29-33 RTPV05

Walang kapantay ang katalinuhan at karunungang ipinagkaloob ni Yahweh kay Solomon. Walang katulad ang kanyang kaalaman. Ito ay higit sa karunungan ng lahat ng mga matatalinong tao sa silangan at sa buong Egipto. Mas marunong siya kaysa sinumang tao. Mas marunong siya kay Etan na mula sa angkan ni Ezra, at kina Heman, Calcol, Darda, na mga anak ni Machol. Naging tanyag siya sa lahat ng bansa sa paligid. Siya ang may-akda ng tatlong libong salawikain; kumatha rin siya ng isang libo't limang mga awit. Nakapagpapaliwanag siya tungkol sa lahat ng uri ng halaman: mula sa sedar ng Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Naipapaliwanag din niya ang tungkol sa mga hayop na lumalakad o gumagapang sa lupa; gayundin ang tungkol sa mga ibon at mga isda.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Hari 4:29-33

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya