Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin. Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. Ito ang tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.” Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya? Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gaius, kaya hindi ninyo masasabing kayo'y binautismuhan sa aking pangalan. Ako nga rin pala ang nagbautismo sa pamilya ni Estefanas. Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang binautismuhan ko. Sapagkat isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Magandang Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan ng kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 1:10-17
24 Mga araw
"Paano dapat mabuhay ang isang Kristiyano?" Ang paksa ba ay binanggit sa unang liham sa mga taga-Corinto, na nagbibigay ng praktikal na pangangalaga at pagtutuwid sa mga isyung kinakaharap ng mga kabataang Kristiyano. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Corinthians habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas