Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan, ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian. Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan, lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan. Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa, dapat siyang kilalanin na marangal at dakila. Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan, sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa. Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa. “Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.
Basahin 1 Mga Cronica 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Cronica 16:23-31
12 Araw
Ang Mga Cronica ay isinulat upang ipaalala sa mga tao ng Diyos na bumalik mula sa pagkabihag kung gaano siya naging dakila sa kanila sa kanilang kasaysayan. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Cronica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas