Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 27

27
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
1Ang Panginoon #Awit 84:11; Is. 60:20; Mik. 7:8. ay aking liwanag, at #Ex. 15:2. aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 # Awit 3:6. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 # Awit 26:8. Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan #Awit 65:4. sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin #Awit 90:17. ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 # Awit 31:20; 91:1; Is. 4:6. Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6At ngayo'y matataas ang #Awit 3:3. aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, #Awit 24:6; 105:4. Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 # Awit 69:17. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, #Awit 24:5. Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 # Is. 49:15. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 # Awit 25:4. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay #1 Sam. 22:9; Awit 35:11. nagsibangon laban sa akin,
At ang #Gawa 9:11. nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
# Awit 116:9; 142:5. Sa lupain ng may buhay.
14 # Awit 37:34. Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 27: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya