Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 26

26
Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.
1Iyong hatulan ako #Awit 7:8; 35:24; 43:1. Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad #2 Hari 20:3. sa aking pagtatapat:
Ako naman ay #Awit 25:2; 31:14. tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 # Awit 17:3; 139:23. Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
4 # Awit 1:1; Jer. 15:17. Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 # Ex. 30:19; Deut. 21:6; Awit 24:4; 73:13. Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong #Awit 9:1. kagilagilalas na gawa.
8Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
# Awit 22:25. Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 26: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya