Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng araw upang magpuno sa araw: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Basahin MGA AWIT 136
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 136:1-9
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng bawat taon, naglalaan tayo ng oras sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ipinapakita ng Kanyang kamangha-manghang kadakilaan hindi lamang kung gaano Siya kalaki, kundi ang Kanyang kakayahang magpakumbaba, at naging maliit gaya natin—mas nagpakababa pa Siya sa antas natin upang tayo ay iligtas at paglingkuran.
7 Days
Are you struggling with heartache, doubt, or doubting God's goodness through a life storm? Are you experiencing apathy or distraction in your spiritual walk? This 7-Day reading plan will help to reveal any doubt you may hold in your heart and will help you to use doubt as a signal to grow closer to God's heart.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas