Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: Na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila. Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel. Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. Hindi siya makikipagkaalit na palagi; Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan. Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
Basahin MGA AWIT 103
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 103:1-12
5 Days
‘Tis the season to be jolly, but also very busy. Come away for a few moments of rest and worship that will sustain you throughout the merry labors of the season. Based on the book Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional , this 5-day devotional reading plan will guide you to receive Jesus’ rest this Christmas by taking moments to remember His goodness, express your neediness, seek His stillness, and trust His faithfulness.
7 Araw
Ako ba'y walang karamdaman sa buhay? Sa mga susunod na 7 araw, alamin kung paano makakuha ng mga susi para buksan ang isang masidhing buhay na ipinamumuhay para kay Cristo muli.
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa Fruit of the Spirit
7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas