Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 4:10-13

MGA KAWIKAAN 4:10-13 ABTAG

Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.