Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 27:4-10

MGA KAWIKAAN 27:4-10 ABTAG

Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, Nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho? Maigi ang saway na hayag Kay sa pagibig na nakukubli. Tapat ang mga sugat ng kaibigan: Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis. Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: Nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay. Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako. Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo. Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.

Bersikulong Larawan para sa MGA KAWIKAAN 27:4-10

MGA KAWIKAAN 27:4-10 - Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw,
Nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
Maigi ang saway na hayag
Kay sa pagibig na nakukubli.
Tapat ang mga sugat ng kaibigan:
Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan:
Nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad,
Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso:
Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan;
At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan:
Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.MGA KAWIKAAN 27:4-10 - Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw,
Nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
Maigi ang saway na hayag
Kay sa pagibig na nakukubli.
Tapat ang mga sugat ng kaibigan:
Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan:
Nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad,
Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso:
Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan;
At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan:
Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.