Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 27:4-10 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 27:4-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit. Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway. Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan. Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban. Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

Mga Kawikaan 27:4-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Mapanganib ang taong galit, ngunit ang taong seloso ay higit na mapanganib. Mas mabuti ang pagsaway na lantaran, kaysa sa pag-ibig na hindi ipinapaalam. Ang masakit na pagsaway ng isang tunay na kaibigan ay may katuturan, ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan. Kahit pulot ay tinatanggihan ng taong busog, ngunit sa taong gutom kahit pagkaing mapait ang lasa ay matamis sa kanya. Ang taong lumayas sa kanyang bahay ay parang ibong lumayas sa kanyang pugad. Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan. Huwag mong talikuran ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong pamilya. Kapag may sakunang nangyari, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid; mas nakakatulong pa ang malapit na kapitbahay kaysa kapatid na nasa malayo.

Mga Kawikaan 27:4-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit. Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway. Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan. Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban. Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

Mga Kawikaan 27:4-10 TLAB (Ang Biblia)

Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho? Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli. Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis. Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay. Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako. Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo. Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.

Mga Kawikaan 27:4-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, Nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho? Maigi ang saway na hayag Kay sa pagibig na nakukubli. Tapat ang mga sugat ng kaibigan: Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis. Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: Nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay. Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako. Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo. Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.