Sapagkat ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman; sapagkat ang hindi ko nais ang ginagawa ko; subalit ang kinapopootan ko, iyon ang ginagawa ko. Ngunit kung ang hindi ko nais ang siya kong ginagawa, sumasang-ayon ako na mabuti ang kautusan. Subalit ngayo'y hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Sapagkat nalalaman ko na walang mabuti na nananatili sa akin, samakatuwid ay sa aking laman. Ang pagnanais ng mabuti ay nasa akin, subalit hindi ko iyon magawa. Sapagkat ang mabuti na aking nais ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na hindi ko nais ay siya kong ginagawa. Subalit kung ang hindi ko nais ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Kaya nga natagpuan ko ang isang kautusan na kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang kasamaan ay malapit. Sapagkat ako'y nagagalak sa kautusan ng Diyos sa kaibuturan ng aking pagkatao. Subalit nakikita ko ang kakaibang kautusan sa aking mga bahagi na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pag-iisip, at ako'y binibihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa bahagi ng aking katawan. Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?
Basahin MGA TAGA ROMA 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA TAGA ROMA 7:15-24
3 Days
When your life is out of alignment with God’s Word, you will almost certainly experience painful consequences. Many have struggled with their health, lost jobs, and relationships, and found themselves feeling distant from God because of addictions. Whether a serious addiction like drugs or pornography or a lesser addiction, like food or entertainment, addictions disrupt our lives. Let best-selling author Tony Evans show you the way to freedom.
6 Days
Change isn’t easy, but it isn’t impossible, either. Starting a few small good habits can change how you see yourself today and transform you into the person you want to be tomorrow. This Life.Church Bible Plan moves through Scripture with a simple acronym for making good daily habits that actually stick.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas