Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 2:6-11

MGA TAGA ROMA 2:6-11 ABTAG01

Kanyang gagantihan ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa: sa kanila na sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa mabubuting gawa, na naghahanap ng kaluwalhatian at karangalan at ng kawalan ng kasiraan, ay magbibigay siya ng buhay na walang hanggan; samantalang sa kanila na makasarili at hindi sumusunod sa katotohanan, kundi bagkus ay sumusunod sa kasamaan ay para sa kanila ang poot at galit. Magkakaroon ng hirap at pighati sa bawat kaluluwa ng tao na gumagawa ng kasamaan, una'y sa Judio at gayundin sa Griyego; subalit kaluwalhatian, karangalan, at kapayapaan sa bawat gumagawa ng mabuti, una'y sa Judio at gayundin sa Griyego: sapagkat ang Diyos ay hindi nagtatangi ng mga tao.