Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 4:10-13

MGA KAWIKAAN 4:10-13 ABTAG01

Makinig ka, anak ko, at tanggapin mo ang aking mga sinasabi, at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Itinuro ko sa iyo ang daan ng karunungan; pinatnubayan kita sa mga landas ng katuwiran. Kapag ikaw ay lumakad, hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumakbo, hindi ka mabubuwal. Hawakan mong mabuti ang turo; huwag mong bitawan; siya'y iyong ingatan, sapagkat siya'y iyong buhay.