MATEO 26:47-49
MATEO 26:47-49 ABTAG01
At habang nagsasalita pa siya, dumating si Judas, na isa sa labindalawa, at kasama niya ang napakaraming tao na may mga tabak at mga pamalo, mula sa mga punong pari at sa matatanda ng bayan. At ang nagkanulo sa kanya ay nagbigay sa kanila ng isang palatandaan, na sinasabi, ‘Ang hahalikan ko ay iyon na nga; dakpin ninyo siya.’ Kaagad siyang lumapit kay Jesus, at sinabi, “Magandang gabi, Rabi!” at kanyang hinagkan siya.


