Mateo 26:47-49 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 26:47-49 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, na kabilang sa Labindalawa. May kasama siyang maraming tao na may dalang mga tabak at pamalo; isinugo sila ng mga punong pari at mga pinuno ng bayan. Bago pa sila dumating doon, sinabi na ng taksil sa kanyang mga kasama, “Kung sinong hahalikan ko, siya ang dakpin ninyo.” Nilapitan niya agad si Jesus at binati, “Magandang gabi po, Guro,” saka hinalikan.
Mateo 26:47-49 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nagsasalita pa si Hesus nang dumating si Judas na isa sa labindalawang alagad. Marami siyang kasama na may dalang mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Ganito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Hesus: “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya.” Lumapit si Judas kay Hesus at bumati, “Magandang gabi sa iyo, Rabbi!” saka hinalikan siya.
Mateo 26:47-49 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, na kabilang sa Labindalawa. May kasama siyang maraming tao na may dalang mga tabak at pamalo; isinugo sila ng mga punong pari at mga pinuno ng bayan. Bago pa sila dumating doon, sinabi na ng taksil sa kanyang mga kasama, “Kung sinong hahalikan ko, siya ang dakpin ninyo.” Nilapitan niya agad si Jesus at binati, “Magandang gabi po, Guro,” saka hinalikan.
Mateo 26:47-49 TLAB (Ang Biblia)
At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan. Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya. At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
Mateo 26:47-49 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))