Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 18:1-6

MATEO 18:1-6 ABTAG01

Nang oras na iyon ay lumapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsasabi, “Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag niya ang isang maliit na bata at inilagay sa gitna nila. Sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang kayo'y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma'y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Sinumang magpakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. At sinumang tumanggap sa isang batang ganito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. “Ngunit sinumang maglagay ng batong katitisuran sa isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mas mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y malunod sa kalaliman ng dagat.