Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! Siya yaong aking sinasabi, ‘Kasunod ko'y dumarating ang isang lalaki na higit pa sa akin, sapagkat siya'y nauna sa akin. Hindi ko siya nakilala, dahil dito'y naparito ako na nagbabautismo sa tubig upang siya'y mahayag sa Israel.” Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit at dumapo sa kanya. Hindi ko siya nakilala subalit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ay nagsabi sa akin, ‘Ang nakita mong babaan ng Espiritu at manatili sa kanya, ay siya ang nagbabautismo sa Espiritu Santo.’ Aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos.” Kinabukasan, muling naroon si Juan kasama ng dalawa sa kanyang mga alagad. At kanyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad at sinabi, “Narito ang Kordero ng Diyos!”
Basahin JUAN 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JUAN 1:29-36
7 Days
When we celebrate Easter, we celebrate the greatest triumph in history. Through Jesus’ death and resurrection, He forever defeated the power of sin and the grave, and all their resulting side effects, and He chose to share that victory with us. This Easter week, let’s dive into some of the strongholds He conquered, reflect on the fight He fought for us, and praise Him as our Banner of Victory.
20 araw
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas