Ngayon, ang salita ng PANGINOON ay dumating sa akin na sinasabi, “Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa.” Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ah, Panginoong DIYOS! Tingnan mo, hindi ako marunong magsalita, sapagkat ako'y kabataan pa.” Ngunit sinabi sa akin ng PANGINOON, “Huwag mong sabihin, ‘Ako'y isang kabataan;’ sapagkat saanman kita suguin ay paroroon ka, at anumang iutos ko sa iyo ay sasabihin mo. Huwag kang matakot sa kanila, sapagkat ako'y kasama mo na magliligtas sa iyo, sabi ng PANGINOON.” Pagkatapos ay iniunat ng PANGINOON ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng PANGINOON, “Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.
Basahin JEREMIAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JEREMIAS 1:4-9
20 Araw
Pinili ng Diyos si Jeremias, isang magiliw na tao, upang maghatid ng isang malupit na mensahe, ngunit hindi natanggap ng mga tao ang mensahe nang maayos. Araw-araw na paglalakbay kay Jeremias habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas