ISAIAS 41:22-24
ISAIAS 41:22-24 ABTAG01
Hayaang dalhin nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari. Sabihin sa amin ang mga dating bagay, kung ano ang mga iyon, upang aming malaman ang kalalabasan nila; o ipahayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating. Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos, upang aming malaman na kayo'y mga diyos; oo, kayo'y gumawa ng mabuti, o gumawa ng kasamaan, upang kami ay mawalan ng loob at mamasdan naming sama-sama. Narito, kayo'y bale-wala, at walang kabuluhan ang inyong gawa; kasuklamsuklam siya na pumipili sa inyo.


