Sinabi ng PANGINOON kay Abram, “Umalis ka sa iyong lupain, sa iyong mga kamag-anak, sa bahay ng iyong ama, at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo. Gagawin kitang isang malaking bansa, ikaw ay aking pagpapalain, gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at ikaw ay magiging isang pagpapala. Pagpapalain ko ang magbibigay ng pagpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo; at sa pamamagitan mo ang lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain.” Kaya't umalis si Abram ayon sa sinabi sa kanya ng PANGINOON, at si Lot ay sumama sa kanya. Si Abram ay may pitumpu't limang taong gulang nang umalis siya sa Haran. Isinama ni Abram si Sarai na kanyang asawa, at si Lot na anak ng kanyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at umalis sila upang pumunta sa lupain ng Canaan at nakarating sila roon. Dumaan sa lupain si Abram hanggang sa lugar ng Shekem, sa punong ensina ng More. Noon, ang mga Cananeo ay nasa lupaing iyon. Nagpakita ang PANGINOON kay Abram, at sinabi, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong lahi.” At siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa PANGINOON na nagpakita sa kanya. Mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silangan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kanyang tolda, na nasa kanluran ang Bethel, at nasa silangan ang Ai. Siya'y nagtayo roon ng dambana sa PANGINOON, at tinawag ang pangalan ng PANGINOON. Si Abram ay patuloy na naglakbay hanggang sa Negeb.
Basahin GENESIS 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 12:1-9
4 Days
There is a lot of talk surrounding community restoration. People will debate differing views. Some churches have panel discussions, and others hold conferences. Some politicians promise new initiatives. But is it all talk? Are there tangible tasks we could do to bring about reform? In this 5-day reading plan, Dr. Tony Evans will give biblical and practical actions the church can take to help restore our communities.
4 Araw
Ang katapatan at pagtitiyaga ay napakahalaga sa buhay espiritwal. Nais ng Diyos na tayo ay maging matapat sa kapwa maliliit at malalaking bagay. Nais din ng Diyos na mamuhay tayo nang matiyaga upang mas maging ganap tayo sa harap Niya.
6 Days
If you find yourself constantly struggling with worry and anxiety, this Bible Plan is for you. There will not be a quick formula that guarantees 100% peace nor will everything related to anxiety be addressed. However, the principles contained in this Plan offer pathways toward victory when they are lived out. You’re invited to begin this journey from anxiety to peace.
7 Days
Every day, we make choices that shape our life story. What would your life look like if you became an expert at making those choices? In the Divine Direction Bible Plan, New York Times bestselling author and Senior Pastor of Life.Church, Craig Groeschel, encourages you with seven principles from his Divine Direction book to help you find God’s wisdom for your daily decisions. Discover the spiritual direction you need to live a God-honoring story you’ll love to tell.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas