Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 11:18-21

DEUTERONOMIO 11:18-21 ABTAG01

“Kaya't inyong ilalagak ang mga salita kong ito sa inyong puso at sa inyong kaluluwa at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. Ituturo ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak, na inyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon. At isusulat mo ang mga iyon sa mga hamba ng pinto ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan: upang dumami ang inyong mga araw at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na ipinangako ng PANGINOON sa inyong mga ninuno na ibibigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.