Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I PEDRO 2:4-8

I PEDRO 2:4-8 ABTAG01

Lumapit kayo sa kanya, na isang batong buháy, bagaman itinakuwil ng mga tao gayunma'y pinili at mahalaga sa paningin ng Diyos, at tulad ng mga batong buháy, hayaan ninyong kayo ay maitayo bilang espirituwal na bahay tungo sa banal na pagkapari, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na kasiya-siya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sapagkat ito ang isinasaad ng kasulatan: “Tingnan ninyo, aking inilalagay sa Zion ang isang bato, isang batong panulok na pinili at mahalaga; at sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Kaya't sa inyo na nananampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi nananampalataya, “Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ng bahay ay siyang naging puno ng panulok,” at, “Isang batong nagpapatisod sa kanila, at malaking bato na nagpabagsak sa kanila.” Sila'y natitisod dahil sa pagsuway sa salita, na dito naman sila itinalaga.