Sa ganito kayo'y nagagalak, bagama't ngayon sa sandaling panahon ay kailangan ninyong magdanas ng iba't ibang pagsubok, upang ang kadalisayan ng inyong pananampalataya na mas mahalaga kaysa gintong nasisira, bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay mauwi sa kapurihan, kaluwalhatian at karangalan sa pagpapakita ni Jesu-Cristo. Hindi ninyo siya nakita gayunma'y inyong iniibig; bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayunma'y inyong sinasampalatayanan, at kayo'y nagagalak na may galak na hindi maipaliwanag at puspos ng kaluwalhatian, na inyong tinatanggap ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. Tungkol sa kaligtasang ito, nagsikap at nagsiyasat na mabuti ang mga propeta na nagpahayag tungkol sa biyayang darating sa inyo. Kanilang siniyasat kung anong pagkatao o kapanahunan na tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila, nang ipahayag ang mangyayaring pagdurusa ni Cristo, at ang kaluwalhatiang susunod sa mga ito. Ipinahayag sa kanila na hindi sila naglilingkod sa kanilang sarili kundi sa inyo, sa mga bagay na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nangaral sa inyo ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y pinananabikang makita ng mga anghel. Kaya't ihanda ninyo sa gawain ang inyong mga pag-iisip; na supilin ninyo ang inyong sarili at ilagak ang inyong pag-asa sa biyayang darating sa inyo kapag inihayag na si Jesu-Cristo.
Basahin I PEDRO 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I PEDRO 1:6-13
5 araw
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
7 Days
We may not always see or feel it, but God is always with us... even when we're going through hard things. In this plan, Finding Hope Coordinator Amy LaRue writes from the heart about her own family's struggle with addiction and how God's joy broke through in their darkest times.
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nasisiraan ka ng loob. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay.
10 Days
As Christians, we are not immune to troubles in this world. In fact, John 16:33 promises they will come. If you are facing the storms of life right now, this devotional is for you. It is a reminder of the hope that gets us through life's storms. And if you aren't facing any struggles in this moment, it will give you the foundation that will help you through future trials.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas