Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA CRONICA 17:11-14

I MGA CRONICA 17:11-14 ABTAG01

Kapag ang iyong mga araw ay naganap na upang ikaw ay humayo upang makasama ng iyong mga ninuno, ibabangon ko ang iyong binhi pagkamatay mo, isa sa iyong sariling mga anak, at aking itatatag ang kanyang kaharian. Ipagtatayo niya ako ng isang bahay, at itatatag ko ang kanyang trono magpakailanman. Ako'y magiging kanyang ama, at siya'y magiging aking anak, at hindi ko aalisin ang aking tapat na pag-ibig sa kanya, gaya ng aking pagkakuha doon sa nauna sa iyo. Kundi ilalagay ko siya sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailanman; at ang kanyang trono ay matatatag magpakailanman.’”