Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 141

141
Panalangin sa Gabi
Awit ni David.
1Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin
sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
2Ang#Pah. 5:8. aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso;
itong pagtaas ng mga kamay ko.
3O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan,
ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.
4Huwag mong babayaang ako ay matukso,
sa gawang masama ay magumon ako;
ako ay ilayo, iiwas sa gulo,
sa handaan nila'y nang di makasalo.
5Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako,
ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis;
pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.
6Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan,
maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan.
7Tulad ng panggatong na pira-piraso,
sa pinaglibinga'y kakalat ang buto.
8Di ako hihinto, sa aking pananalig,
ang pag-iingat mo'y aking ninanais,
huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid.
9Sa mga patibong ng masamang tao,
ilayo mong lubos, ingatan mo ako.
10Iyong pabayaang sila ang mahulog,
samantalang ako'y ligtas mong kinupkop.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 141: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya