Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 140

140
Panalangin Upang Ingatan ng Diyos
Isang Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.
1Sa mga masama ako ay iligtas,
iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;
2sila'y nagpaplano at kanilang hangad
palaging mag-away, magkagulo lahat.
3Mabagsik#Ro. 3:13. ang dila na tulad ng ahas,
tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah)#3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
4Sa mga masama ako ay iligtas;
iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas,
na ang nilalayon ako ay ibagsak.
5Taong mga hambog, ang gusto sa akin,
ako ay masilo, sa bitag hulihin,
sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)#5 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
6Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.”
Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog.
7Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas,
nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat.
8Taong masasama, sa kanilang hangad
ay iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah)#8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
9Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin,
pagdusahin sila sa banta sa akin,
10Bagsakan mo sila ng apoy na baga,
itapon sa hukay nang di makaalsa.
11At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa;
ang marahas nama'y bayaang mapuksa.
12Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang,
at pananatilihin ang katarungan.
13Ang mga matuwid magpupuring tunay,
ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 140: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya