Mga Kawikaan 20:26-27
Mga Kawikaan 20:26-27 MBB05
Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama, at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa. Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi, kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.

