Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa diyos-diyosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, upang tuluyan na silang makalimutan. Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa PANGINOON, pero sumusumpa ring maglilingkod sa diyos-diyosang si Molec. Lilipulin ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa PANGINOON.” Tumahimik kayo sa harapan ng Makapangyarihang PANGINOON, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. Sa araw ng paghahandog para sa PANGINOON, parurusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari pati silang mga nakadamit banyaga. Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga diyos-diyosan at silang mga nagpupuno sa templo ng kanilang diyos ng kalupitan at pandaraya. “Sa araw na iyon,” sabi ng PANGINOON, “maririnig ang iyakan sa pintuang tinatawag na Isda ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal. Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang PANGINOON sa amin mabuti man o masama.’
Basahin Zefanias 1
Makinig sa Zefanias 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Zefanias 1:4-12
7 Araw
Binabalaan ni Zefanias ang Israel na hahatulan sila ng Diyos, ngunit sinabi rin sa kanila kung gaano Niya sila kamahal at kung paanong isang araw ay magsasaya Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-awit. Araw-araw na paglalakbay sa Zefanias habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas