Mga Taga-Roma 9:22-23
Mga Taga-Roma 9:22-23 ASD
Ganoon din naman ang Diyos. Nais niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at matinding galit sa mga makasalanan, subalit minabuti niyang tiisin muna nang buong tiyaga ang mga taong dapat sanang parusahan at lipulin. Ginawa niya ito upang ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para sa kaluwalhatian.

