Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 9:22-23 - Compare All Versions

Mga Taga-Roma 9:22-23 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kaya, kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang pinagtiisan ang mga taong dapat sana'y parusahan at lipulin. Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa'y inihanda na niya para sa kaluwalhatian.

Mga Taga-Roma 9:22-23 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ganoon din naman ang Diyos. Nais niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at matinding galit sa mga makasalanan, subalit minabuti niyang tiisin muna nang buong tiyaga ang mga taong dapat sanang parusahan at lipulin. Ginawa niya ito upang ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para sa kaluwalhatian.

Mga Taga-Roma 9:22-23 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kaya, kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang pinagtiisan ang mga taong dapat sana'y parusahan at lipulin. Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa'y inihanda na niya para sa kaluwalhatian.

Mga Taga-Roma 9:22-23 TLAB (Ang Biblia)

Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira: At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian

Mga Taga-Roma 9:22-23 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))