Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 8:16-18

Mga Taga-Roma 8:16-18 ASD

Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian. Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin balang araw.