Mga Taga-Roma 8:11-12
Mga Taga-Roma 8:11-12 ASD
At kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na muling bumuhay kay Hesu-Kristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang namamatay. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. Kaya nga mga kapatid, may tungkulin tayo, ngunit hindi sa pagsunod sa kagustuhan ng ating makasalanang pagkatao.








