Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 6:19-23

Mga Taga-Roma 6:19-23 ASD

Ginagamit kong halimbawa ang tungkol sa mga alipin upang madali ninyong maunawaan ang ibig kong sabihin. Noong unaʼy nagpaalipin kayo sa karumihan at kasamaan, at naging masama nga kayo. Ngayon namaʼy magpaalipin kayo sa kabutihan upang maging banal kayo. Noong alipin pa kayo ng kasalanan, wala kayong pakialam sa matuwid na pamumuhay. Ano nga ba ang napala ninyo sa dati ninyong gawain na ikinakahiya nʼyo na ngayon? Ang dulot ng mga iyon ay kamatayan. Ngunit pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Diyos. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.