Mga Taga-Roma 5:12-13
Mga Taga-Roma 5:12-13 ASD
Noong nagkasala si Adan, pumasok ang kasalanan sa mundo. Ang kasalanan niya ay nagdulot ng kamatayan. Kaya mula noon, ang lahat ng tao ay namamatay dahil ang lahat ay nagkasala. Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Diyos ang Kautusan. Ngunit hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.




