Mga Taga-Roma 2:6-11
Mga Taga-Roma 2:6-11 ASD
Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, kaluwalhatian, at buhay na walang hanggan. Ngunit sa iba naman na walang ibang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Diyos ang kanyang matinding galit. Lahat ng taong gumagawa ng masama ay magdurusa at maghihirap; ang mga Hudyo muna bago ang mga Hentil. Ngunit bibigyan ng Diyos ng kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan ang lahat ng gumagawa ng kabutihan, una ang mga Hudyo bago ang mga Hentil. Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Diyos sa lahat ng tao.


