Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya. Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan: “Narinig sa lahat ng dako ang kanilang tinig; At nakarating sa buong mundo ang sinabi nila.” Kung ganoon, hindi ba ito naunawaan ng mga Israelita? Naunawaan nila, dahil ayon sa isinulat ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng mga lahing hindi maituturing na bansa. Gagalitin ko kayo dahil ipapakita ko ang aking awa sa mga tao na hindi nakakakilala sa akin.” At buong tapang namang sinabi ni Isaias: “Natagpuan ako ng mga tao na hindi humanap sa akin. Ipinakilala ko ang aking sarili sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.” Ngunit tungkol naman sa Israel, ito ang sinabi ng Diyos: “Matagal akong nanawagan at naghintay sa isang bansang matigas ang ulo at suwail.”
Basahin Mga Taga-Roma 10
Makinig sa Mga Taga-Roma 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Roma 10:17-21
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pananampalataya. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.
14 Days
We've all either been through one of life’s storm, are in the middle of a storm right now, or will face one of life’s storms in the near future. This 14-day devotion will remind you that Jesus is in control of every storm. Because images are the language of the 21st Century”, each devotion uses original photos to explain the devotion and deepen its impact.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas