Sa pamamagitan ni Kristo ay tinanggap namin ang pribilehiyong maging apostol, alang-alang sa kanya, upang madala namin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya ang mga Hentil. At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo. Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa inyong lahat, sapagkat balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.
Basahin Mga Taga-Roma 1
Makinig sa Mga Taga-Roma 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Roma 1:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas