Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 22:18-19

Pahayag 22:18-19 ASD

Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Diyos ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.